Mocha Uson: Waley to the Highest Level

Alam ko naman kilala nyong' lahat si Mocha Uson, diba'?

Siya yung dating myembro ng isang grupo na magaling sumayaw at kumanta na pakalat-kalat sa Maynila at iba pang dako ng Luzon. May mga kanta din' silang kaaya-aya sa pandinig ng mga matatanda, pero hindi ng mga bata.

O' sige na nga, para sa mga hindi talaga nakakakilala, si Mocha ang ating kasalukuyang assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ultimo si bathala, Tatalino, at si haring palaka ay hindi alam ang dahilan kung bakit at paano siya nakakuha ng ganoong kataas na posisyon sa gobyerno.

Ipanalangin na lang natin na sana ay matanggal na siya.

Oo matanggal na.

Pero bago yan, balikan natin ang dating buhay ng ating mahal na sekretarya.

Teka, hanggang ngayon pala ay myembro padin siya ng Mocha Girls (Lead vocalist). Yan yung grupong walang ginawa kundi sayawan ka sa kandungan at pasakitin ang puson mo.

Sa madaling salita, malilibog sila.

Balik tayo sa kwento ng buhay niya.

Sa totoo lang, hindi naman talaga siya mahirap. Ang kanyang ama ay isang husgado at pediatrician naman ang kanyang ina sa Dagupan, Pangasinan.

O' diba may kaya si ate?

Nagsimula ang career ni Mocha bilang isang mang-aawit at mananayaw bago nabuo ang Mocha Girls.

At noong mga panahon na yon ay mahilig na siyang sumayaw sa ibabaw ng kandungan ng mga kalalakihan. 

Nagkaroon din siya ng pelikula kasama si Joross Gamboa.

Nakulong sa Malaysia kasi napagbintangan na nagta-trabaho ng walang kaukulang papeles at permit.

O' diba, Ang dami niyang naging kontribusyon sa ating lipunan bilang isang tagapaglibang?

Pero ano nga ba ang dahilan bakit siya ang nailagay sa posisyon na kung saan mas bagay sa isang taong may kakayahang gampanan ang trabaho ng higit pa sa kanya?

Bakit si Mocha at hindi si Gloira? O' kaya kahit si Enrile na lang?

Bakeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet?!?!

Siguro na akit si Pangulong DU30 sa kagandahan at laki ng *toooooooooooooooot* niya.

Pero sa totoo lang, may mga bagay talaga na hindi para sayo, kahit na sa sayo' na. Kagaya ng posisyon na kinalalagyan ni Mocha. Isa siya sa may mga pinakamalalaking kontribusyon sa lipunang ito, pero hindi sa larangan ng serbisyong publiko.

Hindi mo pwedeng ituro ang kagandahang asal habang sumasayaw ka sa kandungan ng mga kalalakihan.

Ang hirap isipin na pinaglalaban mo ang karapatan ng mga kababaihan habang ikaw ay naghuhukay ng sarili mong libingan.

Kung mapapanood nyo ang mga pagtatanghal ng Mocha Girls, makikita nyo na sagad sa kamunduhan ang ginagawa nila.

Oo masarap sa mata na makakita ng babae na halos diaper na lang ang suot at sumasayaw ng mapang-akit na sayaw sa harap ng mga naglalaway na pangit, pero madaming perang kalalakihan.

Tapos pag nabastos sasabihin nilabag ang karapatan nila bilang babae.

Ang serbisyong publiko ay may karampatang sakripisyo. Hindi mo pwedeng pagsabayin ang pagtatanghal at trabaho nang hindi naaapektuhan ang isa.

Gusto nyo ng halimbawa? Ito oh.

Hindi na ako magtataka kung madaming mga grupo at personalidad ang gustong matanggal siya sa pwesto.

Masakit man sabihin pero kahit anong gawin niya hindi na mababago ang imahe niya sa taong bayan.

Si Mocha Uson ay bagay sa lap dance, hindi sa serbisyong publiko.

Comments